Paano magplantsa ng T-Shirt
Isinulat ni: Christine Kyla Rata
Mga materyales
- Plantsa
- Kabayo ng plantsa
- T - Shirt
Mga hakbang:
1. Buksan ang plantsa at iadjust and numero nito sa 2 dahil tama lang ang init nito o sa madaling salita ay medium hot, wag ilalagay sa number 3 dahil sobrang init na ito at 1 dahil mahina naman ang nilalabas nitong init.
2. Hintayin lang uminit ang plantsa mga ilang segundo ay pakiramdaman ito kung tama ang init nito wag papatagalin uminit ang plantsa dahil didikit ang plantsa sa damit.
3. Ilapat na ang damit sa kabayo at magsimula sa gilid. Ang pattern na aking sinusod ay left to right. uunahin ang kaliwang gilid hanggang mapunta sa kanang gilid.
4. Unang plantsahin ay ang mangas sa kaliwa.
5. Isunod ang katawan hanggang mapunta na sa kanang gilid.
6. Pagkatapos ay isinod naman ang likod ng damit.
7. Ulitin lang ang pattern at gawain.
Mga dapat isa alang alang:
- wag i-isteady ang plantsa sa damit bagkus ay galawin ito upang hindi dumikit sa damit.
- igalaw lang plantsa hanggang maflatten at mawala ang kusot ng damit.
- Pag natapos magplants ay siguraduhing nakapatay ito sa saksakan upang maiwaasan ang panganib.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento